Note: English translation follows
Para sa mga me balak na pumunta dito sa Canada, heto na ang katotohanan: ang mahal ng presyo ng pagkain dito. Kung ang trabaho mo e minimum wage–$15.50 bawat oras–dapat talagang humanap ng paraan para makatipid sa pagkain.
Kung meron kayong mga pamilya na gustong pumunta dito sa Canada, sabihin ninyo ganito na ang mga presyo ng mga bilihin ngayon:
gatas 4 litro $5.49
tinapay isang loaf $3.99
itlog 18 count $4.99
Campbell’s soup $2.29
pinya $2.99
mangga (bawat isa) $1
buong manok (luto na) $10.99

Heto na ang sampung tips kung paano tayo makakatipid ng pera para sa ating groceries dito sa Canada:
1. Mag-plano ng weekly menu base sa sale items sa grocery flyers.
Kung alam ninyo kung ano ang lulutuin, mas malamang na hindi kayo bibili ng mga pagkain na hindi ninyo naman magagamit.
2. Guntingin ang mga kupon ng mga grocery staples na ginagamit ninyo at ilagay kaagad sa pitaka ang kupon para hindi makalimutan.
Sa dinami-dami minsan ng mga kupons, hindi naman magagamit lahat yan. Guntingin mo lang ang mga kupon ng mga grocery items na ginagamit mo talaga.
3. Kapag naka-sale ang mga grocery staples (gaya ng mga de-lata), bili ka ng mas marami, basta kaya ng budget.
Halimbawa, pag nag-sale ang spaghetti sauce, bili ka ng dalawa o tatlong lata. Magagamit mo naman yan sa balang araw.
4. Pilliin ang mas mura na grocery store.
Kung gusto mong makatipid, ikumpara ang mga presyo ng mga grocery store na malapit sa bahay ninyo. Meron talagang mas mura na grocery store–yun ang piliin ninyo.
5. Huwag mo nang bilhin ang mga brand name na groceries.
Kung minsan, wala talaga masyadong diperensya sa lasa ng brand name na de-lata gaya ng tuna, beans o kaya gatas. Piliin ang “No Name” brand, mas mura yun.
Mag-ipon na lang para sa LV na bag. hehe
6. Bantayan ninyo ang “pink tax”.
Alam mo ba na ang mga pambabae na mga deodorant o razor blades, mas mahal kesa sa mga pan-lalaki? Bilhin mo yung mga panlalaki na deodorant (basta huwag lang yung amoy lalake), o kaya razor blades. Kulay lang ang diperensya, pero makakatipid ka dun.
7. Gamitin mo ang Costco card o kaya bili ka in bulk ng mga karne, manok o kaya harina.
Hindi naman sikreto na ang pag-bili ng maramihan ay mas mura talaga. Lalo na sa mga grocery items na magagamit mo araw-araw: toilet paper, paper towels, Kleenex, sabon, shampoo. O kaya giniling na karne, o mga baking items gaya ng harina.
8. Kumuha ka ng credit card o debit card na merong cashback o kaya loyalty points.
Malaki-laki rin ang savings mo dyan. Lahat halos ng gastos ko nilalagay ko sa credit card. Basta babayaran mo lang in full pag due date, malaki rin ang cashback mo.
9. Huwag kang matutukso sa ibang mga grocery items na wala sa listahan mo.
Hwag maging palikero! Ang mga grocery store kasi, meron silang mga consultants na pina-plano talaga kung saan nila ilalagay ang mga items na hindi mo naman planong bilhin. O kaya me mga amoy silang ginagamit para gusto mong bilhin ang mga iba’t-ibang meryenda. Stick ka lang sa listahan mo.
10. I-give up mo na kasi ang mga luho mong steak.
Bili ka na lang ng lonting giniling na baboy, at lagyan ng maraming gulay, he he. Huwag nang sosy ang mga ulam.
Sana ol makatipid na.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

English translation:
For Filipinos wanting to come to Canada, the truth is that the price of grocery items here in Canada is expensive. With the current minimum wage being $15.50 per hour, one needs to find ways to stretch the dollar.
So how much do grocery items really cost in Canada? If you have family or friends who’d like to live here, let them know that these are the current average grocery prices:
milk 4 litres $5.49
loaf of bread $3.99
eggs, 18 count $4.99
Campbell’s soup $2.29
pineapple $2.99
one mango $1
cooked whole chicken $10.99
Here are 10 tips to save money on groceries here in Canada:
1. Plan a weekly menu based on sale items, using grocery flyers.
2. Cut coupons of items you normally buy. Don’t forget to put coupons in your wallet.
3. Buy grocery staples (like canned goods) when they go on sale. Buy as many as your budget allows.
4. Choose a cheaper grocery store in your neighbourhood.
5. Buy generic name brands. Save up for a Louis Vuitton bag instead lol.
6. Watch out for “pink tax”. Items such as razor blades or deodorant are more expensive for women. Just buy men’s razors or deodorant (choose ones that don’t smell like a man.)
7. Use your Costco card if you have one or buy meat, chicken, or flour in bulk.
8. Get a credit or debit card with cashback or loyalty points. The points or cashback accumulate quickly. Just make sure to pay off your credit card in full.
9. Don’t be tempted by other items in the grocery store that’s not included in your grocery list. Don’t cheat!
10. Give up steak or other luxury items. Buy cheap ground pork, toss in some veggies, and there you go–savings!
Until next time!